Just New Warrior

24 April 2008

Transcript of Senator Miriam Defensor Santiago’ s interview

On the proposed extension of the CARP Law I am in favor of the CARP extension. I filed a similar counterpart bill here in the Senate and I will ask the chair of the Senate committee on agrarian reform to schedule it for public hearing, or, if it has already been heard, to submit its committee report. We really have to extend the CARP for the reason that it has failed in its objectives. Ang tagal-tagal na ng ating CARP, pero hindi ito nakatulong sa ating mga magsasaka. Hindi rin ito nakatulong sa ating supply ng bigas. Ang pilosopiya ng CARP ay ibigay sa magsasaka ang lupa mula mga nagmamay-ari ng lupaing agrikultural, para ang nagtatanim ay siya ring may-ari. Kabaligtaran ang nangyari dahil nakakita ang mga may-ari ng lupa ng loophole. Nag-apply sila for conversion ng lupa nila para hindi tawaging agricultural ang lupa nila para hindi mapasailalim sa CARP, at tawagin itong residential, commercial o industrial. Exempt na nga sila sa agrarian reform, kikita pa sila ng windfall profits. Pinagbawal iyan ng ating batas, pero dahil sa graft and corruption sa agrarian reform, nagawa pa rin nila iyon. Tatanggapin na lang ba natin iyan na nagtagumpay ang mga crooks na ito sa paglinlang sa ating mamamayan tungkol sa agrarian reform. Hindi tayo nakakakamit ng tunay na repormang agraryo dahil ang mga maliliit na magsasaka ay walang pera kapag naghihintay ng ani nila, dati nanghihiram sila sa kanilang landlord. Ngayon, kapag wala na silang pera, binebenta nila ang kanilang lupa na nakuha nila sa agrarian reform. The effect is we have not given land to the landless. Also, hindi sila kumikita sa kanilang ani dahil hindi sila binibigyan ng gobyerno ng support services gaya ng fertilizer, irrigation, at postharvest facilities. In effect, the agrarian reform program has been a big disaster to our country. Dapat ipakulong natin ang mga absentee landowners na nakakita ng palusot sa agrarian reform. Hinihikayat ko ang Senado na imbestigahan ang Department of Agrarian Reform kung ano ang mga pangalan ng mga tao at korporasyon na nakakuha ng conversion, gaano kalawak ang lupang na-convert nila, at ano ang nangyari sa conversion nila.