Just New Warrior

Transcript of Senator Miriam Defensor Santiago ’s interview

After the Powercom hearing on Meralco’s high electricity rates

Ang Joint Congressional Power Commission or Powercom na may kapangyarihan sa power industry ay at least nagbigay ng dalawang resulta na makatulong para bumaba ang presyo ng kuryente. Una, inutusan namin ang Energy Regulation Commission, ang tagabantay ng Meralco, Transco, at NAPOCOR na hindi dapat payagan ng ERC ang petisyon ng Meralco.

May kasunduan sila na dahil may utang ang Meralco sa NPC at ang NPC naman ay may utang sa Meralco, hindi nalang nila itutuloy ang paghahabol ng utang nila sa isa’t isa kung ‘di ipasa nalang nila sa mga customers. Ang ginawa natin ngayon ay inutusan ang ERC na huwag payagan ang petisyon na iyon dahil nag-utangan sila sa negosyo nila. Walang papel ang taong bayan doon, hindi naman tayo kinonsulta sa mga utang na iyon. Kailangan sundin ang prinsipyo na kung hindi nakisali ang consumer sa desisyon ng management, hindi sila dapat singilin.

That’s called the “just and reasonable principle”. Under that principle, we have ordered the ERC to dismiss the petition of Meralco supported by the NPC to pass on the costs of their mutual debts to the consumer. We do not even know the exact amount, but definitely it will run perhaps to billions.

Pangalawa, nakuha natin kanina na utusan ang ERC na lagyan ng limit ang systems losses na kalakip doon sa billing ng Meralco. Bawat buwan, nakalakip doon sa binabayad natin sa kuryente ang tinatawag natin na systems losses. Ngayon sa ilalim ng batas, dapat may limit yan kung magkanong systems loss ang pwedeng ipasa ng Meralco sa customer. Hanggang ngayon, hindi nila linalagyan ng limit, kaya inutusan natin kanina ang ERC na lagyan ng limit ang systems loss na yun para lumiit din ang pagsingil sa ating consumers.

Who is to blame for the high electricity prices?

Hindi mo masasabi dahil ang aming mga conclusion ay manggagaling sa mga dokumento na hiningi naming ibigay sa komisyon galing sa iba’t ibang mga pinuno ng mga ahensya na may kinalaman sa paghatid ng kuryente. Pero sa ngayon nakikita ko na mayroon talagang mali na ginagawa ang Meralco. Halimbawa, inaamin ng presidente ng Meralco kanina na ang binibili nilang mga metro sa kuryente ay naggagaling din sa kumpanya na ari din ng Meralco at inaamin nila yung ibang systems losses nila ay hindi kasalanan ng mga gumagamit kundi hindi basta dahil teknikal o due to pilferage kaya ang Meralco ang may kasalanan.

Hindi lamang iyon, pati ang Napocor ay may kasalanan din. Mayroon din silang management abuses. At dapat, ang tagabantay o regulator nila na ang ERC ay kahati din dun sa pagtaas ng presyo dahil hindi sapat ang bagsik ng ERC na bantayan at suriin nya ng mabuting mabuti itong pinagpapatong sa ating electric bill kaya hindi mo masasabi talga na iisa lang sa kanila ang may kasalanan. Pare-pareho silang may sala talaga at banding huli, mangangailangan yan ng pagamyenda ng ating batas ngayon na tinatawag na EPIRA law.

How soon will we see the results?

I hope the results will reflect, more or less, 30 days after the 15 days compliance I gave the ERC.

How about Mr. Garcia's proposal to change Meralco's management?

Ewan ko lang kung pwedeng magawa iyon dahil napaka kumplikado nito, sari-saring mga scientific factors ang involve jan. Kaya ang gagawin natin ay hihingi tayo ng tulong ng isang grupo ng mga UP professors na sa ngayon ay nag-aaral kung paano ibaba yung presyo ng kuryente.
How about the proposal to bring down the VAT?

Imposible yun, dahil wala na ngang pera ang gubyerno tapos lahat ng buwis na napatong dun ay gusto nilang tanggalin, e di lahat nalang ng sector ng ekonomiya hihingi ng ganyang pagalis ng VAT.

On Garcia’s proposal to divide the franchise ng Meralco

There’s no problem with that, we already have a model. What used to be the MWSS was divided into two and it did not result into higher water rates. It, in fact made a lot of money for one franchise holder although the other franchise holder did not make much money. Anyway, it resulted in better water supply. So, we in the Commission have no objection if that is his proposal. Ang question lang dun, ay sabi nila ay hindi nila gusto na ang GSIS ay magpapatakbo kung di sila ang maghahanap ng mas magaling na magpapatakbo. Ewan ko lang kung magagawa yan dahil marami kasing pasikut-sikot jan. Sino ang ilalagay mo dyan ay dapat alam niya lahat ng mga relations diyan ng Meralco at ng mga subsidiary companies and all will depend on the price of electricity by that time. Pero kung management efficiency lang ang paguusapan, mukhang may napatunayan kanina sa pagtatanong ng mga senador at mga kongresista na talagang may management inefficiency. Ibig sabihin ay hindi napaaketo ang batas na sabi ay dapat bigyan ng kuryente ang mamamayan sa least cost manner.

Is there a syndicate here?

Una, ang pag-amin ng Meralco na bumibili siya ng sarili niyang mga metro sa sarili nyang kompanya, at least in part. May mga satellite companies ang Meralco kaya nakikinegosyo sya sa sarili niya. You should keep your private business interest at arm’s length from the public interest.

Is Meralco to blame for the systems loss?

Partly may kasalanan ang ERC, kasi dati may limitasyon yan e, I think it was 9.5 percent tapos na-abolish ang limit na yun and the power was given to the ERC to set the new limits depending on all those factors that I read off, pero hanggang ngayon hindi sila nagseset ng limits kaya parang libre ang Meralco na gumawa ng kanilang limits. Sasabihin nila na pareho ang lahat ng ito at pinayagan ito ng ERC kaya yun naman ang base ko na magsabi na lax ang ERC. Sana kung mas mahigpit sila sa pag implement ng EPIRA, hindi sana tumaas ng ganun ang singil sa kuryente. Hindi ibig sabihin na dahil na-approve na ng ERC e legal na. Maaring may kasalanan din ang ERC at pati sya maparusahan.

Theoretical studies by technical scholars can find out if there has been a violation of the “just and reasonable principle” or violation of the least cost principle. They could be charged criminally under the penal code for combination in restraint of trade kung ang resulta ay tumaas ang binabayaran ng mamamayan o kaya hindi maganda ang resulta sa ekonomiya pwede na siyang violation of combination in restraint of trade. Parang anti-trust law and anti-monopoly law.